We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MASUSING INIINSPEKSIYON NG MGA KAWANI NG MRT-3 ANG MGA BAGONG DATING NA BOGIE FRAME NG MGA TREN

By King Al Mendoza on June 29, 2021 under News

May be an image of indoor and text that says 'B7 B6 C6 C5 D5 D4'

TINGNAN: Masusing iniinspeksiyon ng mga kawani ng MRT-3 ang mga bagong dating na bogie frame ng mga tren, na sumusuporta sa bigat at sa hindi maalog na pagtakbo ng mga bagon lalo na sa mga palikong bahagi ng riles.

Ang railway bogie frame o chassis (framework) ay kritikal na bahagi ng isang tren at matatagpuan sa ilalim na bahagi ng mga bagon kung saan nakakabit ang mga gulong at motor nito. Nagbibigay ang mga ito ng cushion laban sa anumang shocks habang tumatakbo ang tren.

Ikakabit ang mga bogie frame sa mga tren na nangangailangan ng bagong unit ng nasabing komponent, kabilang iyong mga sumasailalim sa general overhauling.

Sa kasalukuyan, nasa 21 bagon na ng MRT-3 ang matagumpay na na-overhaul at tumatakbo sa main line, sa ilalim ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade.