We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAS MAGINHAWA PARA KAY JULIE ANNE FRANCISCO ANG PAGSAKAY NGAYON SA MRT-3

By King Al Mendoza on August 25, 2021 under News

May be an image of 1 person, standing and text that says 'MetroRail YELLOW LINE LIBRENG SAKAY PARA SA MGA APOR "Mas tipid. Malaking tulong siya. Lalo everyday yung pasok. Kaysa magtaxi, dito sa MRT-3, libre." Julie Ann Francisco, Bank Teller @DOTrMRT-3 @dotrmrt3 ©www.dotrmrt3.gov.ph'

MAS MAGINHAWA para kay Julie Anne Francisco ang pagsakay ngayon sa MRT-3 dahil mabilis na ang biyahe ay libre pa ang pamasahe para sa mga vaccinated Authorized Persons Outside Residence (APORs) na gaya niya.

Malaki umano ang kanyang natitipid dahil hindi na kailangang gumastos sa pamasahe para sa araw-araw na pagpasok sa trabaho.

Bukod rito, panatag din siyang ligtas at secured ang biyahe sa MRT-3 dahil sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa linya sa pagpapatupad ng MECQ.