We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MALAKING TULONG ANG LIBRENG SAKAY NG MRT-3 NGAYONG ECQ PARA SA BAKUNADONG APOR NA SI JOY PADRIGA

By King Al Mendoza on August 09, 2021 under News

May be an image of 1 person and text that says '1899 MetroRail LIN DTNS LLOW LIBRENG SAKAY PARA SA MGA APOR "Mas nakakatipid kami dahil sa libreng sakay ng MRT-3. Kasi pagdating ng gabi, nagtataxi pa kami. At least pag umaga nababawasan yung gastusin. Kaya mas malaking tulong. YSESON WESTCOAST ECORIGIN Mas madali rin ang biyahe ngayon. Hindi katulad dati na walang biyahe, mahirap maghanap ng masasakyan. Ngayon, mas madali sa aming mga commuters dahil may biyahe ang MRT-3." Joy Padriga, Factory Worker @DOTrMRT-3 @dotrmrt3 www.dotrmrt3.gov.ph'

MALAKING TULONG ANG LIBRENG SAKAY ng MRT-3 ngayong ECQ para sa bakunadong APOR na si Joy Padriga, na kailangang magcommute araw-araw papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan bilang factory worker.

Mas madali na siyang nakasasakay at libre pa ang biyahe kaya't malaking tipid at bawas sa gastusin lalo't panahon ng pandemya.

"Mas nakakatipid kami dahil sa libreng sakay ng MRT-3. Kasi pagdating ng gabi, nagtataxi pa kami. At least pag umaga nababawasan yung gastusin. Kaya mas malaking tulong," ani Padriga.

Kampante rin siyang ligtas at secured ang kaniyang biyahe dahil sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ng pamunuan sa buong linya, kabilang ang "7 Commandments" 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

May libreng sakay ang mga APOR na nabakunahan ng isa o dalawang doses ng COVID-19 vaccine sa MRT-3 mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto 2021. Kinakailangan lamang nilang magpakita ng vaccination cards, at alinman sa sumusunod na ID upang mapatunayan na sila ay APOR: Certificate of Employment (COE) at isang valid o government-issued ID; o Professional Regulation Commission (PRC) ID; o company ID.