We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAHALAGANG PAALALA. TANGING MGA AUTHORIZED PERSONS OUTSIDE RESIDENCE (APOR) LAMANG ANG PINAHIHINTULUTANG MAKASAKAY SA MGA TREN NG MRT-3

By King Al Mendoza on August 10, 2021 under News

May be an image of text

Tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang pinahihintulutang makasakay sa mga tren ng MRT-3 sa pagpapatuloy ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto.

Upang mapatunayang sila ay APOR, maaaring iprisinta ang alinman sa sumusunod na mga Identification Cards sa security personnel sa mga istasyon ng MRT-3:

-Certificate of Employment (COE) at isang valid o government-issued ID

-Professional Regulation Commission (PRC) ID

-Company ID

-Vaccination schedule

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng pamunuan ng MRT-3 ng libreng sakay para sa mga APOR na nabakunahan na ng isa o dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang vaccination card at anuman sa mga naunang nabanggit na Identification Cards upang mapatunayan na sila ay APOR.

Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga APOR hanggang ika-20 ng Agosto 2021.

Ang inisyatibong ito ay direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.