We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAHALAGANG PAALALA: HINDI PA RIN PINAPAYAGANG SUMAKAY NG TREN ANG MGA EDAD 17 PABABA.

By King Al Mendoza on July 13, 2021 under News

May be an image of text that says 'MAHALAGANG PAALALA Pinapaalalahanan ng pamunuan ng MRT-3 na hindi pa rin pinapayagang sumakay ng tren ang mga batang pasahero na may edad 17 pababa MetroRail f @DOTrMRT-3 @dotrmrt3 www.dotrmrt3.gov.ph'

MAHALAGANG PAALALA

Pinapaalalahanan ng pamunuan ng MRT-3 na hindi pa rin pinapayagang sumakay ng tren ang mga batang pasahero na may edad 17 pababa.

Tanging mga pasaherong may edad 18 hanggang 65 ang pinapayagang makabiyahe sa rail line.

Kaugnay ito sa inilibas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagpapahintulot sa mga batang edad lima (5) pataas na lumabas sa mga open spaces sa ilalim ng GCQ at MGCQ tulad ng mga parke, palaruan, beaches, biking at hiking trails.

Samantala, patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad sa buong linya ng "7 Commandments" kontra COVID-19, upang maiwasan ang pagkahawa ng mga pasahero sa sakit:
1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at
7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.