We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! MGA BICYCLE RACKS SA MGA ISTASYON NG MRT-3, LIBRENG MAGAGAMIT NG MGA PASAHERO

By King Al Mendoza on January 27, 2021 under News

ec7fcc4b-1d3f-489b-8c50-bd77ce184db8.jpgMAHALAGANG PAALALA LIBRENG MAGANDANG BALITA! MAGAGAMIT ng mga pasahero ng MRT-3 na nagbibisikleta ang mga bicycle racks na naka-install sa mga istasyon ng rail line.

May 37 bike racks ang magagamit ng mga pasahero, na matatagpuan sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan-Annapolis, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni, Guadalupe, Ayala, Buendia, at Taft Avenue.

Maaaring mag-iwan ng mga bisikleta at i-retrieve ang mga ito sa bicycle racks araw-araw, sa mga oras ng operasyon ng linya.

Inilagay ang mga bike racks sa mga istasyon ng MRT-3 ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector bilang pagsuporta ng ahensiya sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasaherong siklista.

Pinaaalalahanan naman ang mga gagamit ng bicycle racks na magdala ng sariling padlock at iwasang mag-iwan ng mahahalagang pag-aari sa lugar dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira.