We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! DUMATING NA SA DEPOT ANG PANIBAGONG MGA PIYESA NG MGA TREN NG MRT-3, NA GINAGAMIT SA REPAIR AT OVERHAULING WORKS NG LINYA

By King Al Mendoza on June 30, 2021 under News

No photo description available.

Kabilang sa mga bagong dating na piyesa ang electrical spare parts na static converters, at mechanical spare parts na gear frame at axle with hub.

Sa pamamagitan ng static converters naisasalin sa wasto ang kuryenteng kailangan ng mga airconditioning units at baterya.

Samantala, ang axle ay ang piyesa kung saan umiikot ang mga gulong, at sumusuporta rin sa bigat ng tren.

Gamit ang nasabing mga piyesa, nasisiguradong ligtas at nasa kondisyon ang lahat ng mga tren ng MRT-3, kabilang ang 21 newly-overhauled na bagon na umaarangkada na sa main line, sa ilalim ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya.