We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! CONTACTLESS TEMPERATURE SCANNERS, NAILAGAY NA SA LAHAT NG ISTASYON NG MRT-3

By King Al Mendoza on January 26, 2021 under News

350c670b-a286-4a88-bf0a-10035b8b38b2.jpg

MAGANDANG BALITA! Contactless temperature scanners, nailagay na sa lahat ng istasyon ng MRT-3! AUTOMATIC AT TOUCHLESS.

Ganito na ngayon ang proseso ng temperature checking sa MRT-3 matapos makapaglagay ang pamunuan ng mga bagong-bagong standalone contactless temperature scanners sa lahat ng istasyon nito.

Nasa 15 stand-alone temperature scanners ang nailagay sa mga designated areas ng mga istasyon, kung saan ay may nakatalagang MRT-3 personnel na siyang nagtitiyak na hindi tataas sa 37.8°C ang temperatura ng mga pasahero.

Dahil hindi na handheld ang device na gamit sa pagkuha ng temperatura, mas less contact na rin sa isa't isa ang mga pasahero at sa MRT-3 personnel.

Bahagi ito ng pagsuporta ng MRT-3 sa adhikain ng Department of Transportation (DOTr) sa pagkakaroon ng contactless at mas mabilis na contact tracing system sa mga pampublikong sasakyan. Kasalukuyan ding isinasagawa ang soft launching ng bagong contact tracing web app ng linya, ang MRT-3 Trace, na dinevelop para sa mas mabilis na COVID-19 monitoring ng MRT-3.

Bukod rito, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad sa loob ng mga tren ng mga sumusunod na "7 Commandments", ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.