We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! BILANG NG UMAARANGKADANG NEWLY-OVERHAULED LRVS SA LINYA NG MRT-3, UMAKYAT NA SA 32!

By King Al Mendoza on October 26, 2021 under News

May be an image of train and text that says 'S 3027-C'

Umakyat na sa 32 ang bilang ng umaarangkadang newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3, matapos tagumpay na maideploy sa mainline ang isa pa ng pamunuan.

Nakapagseserbisyo na ng mga pasahero ang karagdagang bagong overhaul na LRV, na dumaan sa masusing mga quality at speed tests upang masigurong ligtas patakbuhin.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Nananatili ring nasa 30% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o bagon o 372 na pasahero kada train set.

Upang mapanatiling ligtas ang biyahe ng mga pasahero, mahigpit din ang pagpapatupad ng "7 Commandments" kontra COVID-19, na batay sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.