We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! BAGONG MGA FFU SLEEPERS SA MRT-3 DEPOT, 100% NAIKABIT NA!

By King Al Mendoza on October 25, 2021 under News

May be an image of one or more people and railroad

Naikabit na ng pamunuan ng MRT-3 ang nasa 573 pieces na bagong fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers sa depot, na ginagamit pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito.

Pinalitan ng newly installed FFU sleepers ang mga luma nang wooden sleepers sa depot tracks, na nagiging sanhi noon ng lubusang pagkatagtag ng mga tren, bagay na nakapagdudulot ng problema sa mga sensitibong piyesa nito.

Ang mga FFU sleepers, na ginagamit pangsuporta ng mga switches, turnouts, at crossings, ay gawa sa synthetic material, kaya't mas matagal ang lifespan at less prone din sa weathering.

Matatandaang nakompleto na rin ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya.

Sa pagkakakompleto ng FFU sleepers installation sa depot tracks, mas matitiyak ang swabeng operasyon ng mga tren mula main line hanggang depot.