We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
ISA ANG MENSAHERO NA SI LAWRENCE CERDAN SA MGA NAKATANGGAP NG LIBRENG SAKAY SA MRT-3

By King Al Mendoza on August 31, 2021 under News

May be an image of 1 person, standing and text that says 'MetroRail YELWLINE LIBRENG SAKAY PARA SA MGA APOR "Nakakatipid sa pamasahe. Malaki yung pamasahe na natitipid ko sa araw-araw na pagbiyahe. Libre na, mabilis pa ang biyahe. Less hassle yung biyahe kahit MECQ. Malaking tulong talaga. -Lawrence Cerdan, Messenger f @DOTrMRT-3 @dotrmrt3 © www.dotrmrt3.gov.ph'

Isa ang mensahero na si Lawrence Cerdan sa mga nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3 para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) na nabakunahan ng isa o dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Malaking tulong umano dahil malaki ang kanyang natitipid, at mabilis din siyang nakakarating sa pinagtatrabahuhan.

Ang kanyang natitipid sa pamahase, naidaragdag umano ni Lawrence sa panggastos sa bahay kung kaya laking ginhawa lalo sa panahon ng pandemya.

Magtatagal ang libreng sakay sa MRT-3 para sa mga bakunadong APORs tuwing peak hours ng operasyon ng linya (7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi) hanggang ika-31 ng Agosto 2021.