We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAS READY TAYO

By King Al Mendoza on March 01, 2021 under Announcements

611a3ab6-14b6-476b-b4c2-3eed73ad29ae.jpg

Marami na ang ating mga napagtagumpayan nang magkakasama. Sa nakalipas na taon lamang, humarap tayo sa iba't ibang pagsubok, mula sa isang pambihirang pandemya hanggang sa mga sunod-sunod na kalamidad.Ngayong 2021, baon ang mas pinaigting na kampanya sa pagbibigay-serbisyo, handa na tayong salubungin ang mga bagong hamon at oportunidad upang mas mainam pang makapagsilbi sa bawat pasahero.

MAS LIGTAS
Magpapatuloy ang ating mahigpit na pagpapairal ng mga health & safety protocols laban sa Covid-19 para sa mas ligtas na biyahe sa ating mga tren.

MAS SECURED
Mas pinaigting pa ang pagtitiyak ng seguridad ng mga pasahero dahil sa mga newly-installed CCTVs at platform monitors sa mga istasyon na gumagana 24 oras.

MAS MABILIS
Tuloy-tuloy ang pagpapatakbo sa mga naka-deploy na tren sa linya sa bilis na 60kph, para sa mas mabilis at komportableng biyahe ng mga pasahero.

MAS DISIPLINADO
Sa loob at labas man ng mga tren, tinitiyak ang pagpapairal ng disiplina upang mas mapanatili ang kaayusan sa buong linya.

MAS MAAASAHAN
MRT-3 na nakikinig at mabilis na tumutugon sa mga pasahero. Ito ang layon at siyang mananatiling gabay ng linya sa araw-araw nitong operasyon at paggampan sa tungkuling magbigay ng komportable at maaasahang transportasyon sa publiko.

Ang hatid ng MRT-3 sa lahat ng pasaherong Pilipino ay mas ligtas, mas secured, mas mabilis, mas disiplinado, at mas maaasahang pampublikong transportasyon. Nayong 2021, MAS READY TAYO!