We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAS MABILIS TAYO

By King Al Mendoza on March 03, 2021 under Announcements

5b3410dc-0212-41dd-a686-d3efc25bd9ee.gif

Tunay na damang-dama na ng mga pasahero ang dinobleng bilis na takbo ng ating mga tren, na naitaas sa 60kph mula sa dating 30kph noong Disyembre 2020, mas maaga ng anim na buwan sa target na Hunyo 2021.Ngunit hindi lamang train speed ang tinututukan ng pamunuan ng MRT-3, dahil tuloy-tuloy rin ang pag-ooverhaul ng mga Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon, pandagdag sa operational train sets na binubuo ng 22 CKD at 1 Dalian train sets sa main line.Sumatotal, nasa 66 LRVs na ang running at operational sa linya, kung saan 9 sa mga ito ay mga bagong na-overhaul na LRVs.Kung kaya, mas napadadali pa ang biyahe ng mga pasahero, na nasa 45 hanggang 50 minuto na lamang mula North Avenue station hanggang dulong Taft Avenue station, mula sa dating 1 oras at 15 minuto.Ang headway o oras sa pagitan ng mga tren ay naibaba pa sa 3.5 hanggang 4 na minuto, mula sa dating 4 hanggang 5 minuto.Bahagi ang lahat ng mga ito ng malawakang rehabilitasyon ng rail line, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.Puspusan ang pagtatatrabaho ng pamunuan ng MRT-3, dahil misyon ng linyang mabigyan ng ligtas, komportable, at mabilis na biyahe ang bawat pasaherong Pilipino.