We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAS LIGTAS TAYO

By King Al Mendoza on March 02, 2021 under Announcements

f0ecea95-3bb2-4e81-8c83-faea776ef53d.jpg

Sa patuloy na laban kontra COVID-19, mas mahigpit ang pagpapatupad ng health at safety protocols ng pamunuan ng MRT-3 tungo sa tuluyang pagsugpo ng sakit.

Tinitiyak na 100% ligtas at ready sa araw-araw na pagbiyahe ang bawat tren, na sumasailalim sa maingat na disinfection sa magkabilang dulong mga istasyon.

Mula manual, ginawang contactless ang proseso ng contact tracing, kung kaya't less exposure na sa kapwa pasahero at sa MRT-3 personnel.

Mahigpit ding ipinaiiral ang "7 Commandments" laban sa COVID-19, na base sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga tren; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Ginagarantiya ng pamunuan ang kalinisan at sanitasyon sa lahat ng mga istasyon, dahil prayoridad ng MRT-3 ang BUHAY at KALIGTASAN ng mga pasahero.