We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! LIBRENG SAKAY PARA SA MGA KABABAIHAN NGAYONG NATIONAL WOMEN'S MONTH

By King Al Mendoza on March 08, 2021 under Announcements

0f34c9c8-9fcb-4c25-877f-8b9e9d5dd135.jpg

Magandang balita agad ang sumalubong sa mga kababaihang pasahero ng MRT-3 ngayong simula ng ikalawang linggo ng buwan. May libreng sakay kasi para sa lahat ng kababaihang sasakay sa MRT-3, bilang bahagi ng pakikiisa ng linya sa National Women's Day na ginugunita tuwing ika-08 ng Marso. Makasasakay nang libre ang mga kababaihan sa peak hours ng operasyon, magmula ika-7 hanggang ika-9 ng umaga, at magmula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi ngayong araw. Ito ang maliit na ambag ng MRT-3 bilang pagsuporta at pagsaludo sa galing ng mga kababaihan. Ingat po sa byahe!